Lunes, Pebrero 24, 2014

Hypermedia ay ang pagsasama-sama ng iba't ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio, video, graphics, plain text at hyperlinks. Sa moderno nating panahon na ito, karaniwan na natin itong ginagamit sa pagtatrabaho, sa bahay, sa paglilibang, sa pananaliksik, sa pagtuturo at sa pag-aaral. Kapag ang isang guro ay marunong gumamit ng mga bagay na ganto at kanya itong ginamit sa pagtuturo ay malaki ang maitutulong nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ilang pamamaraan at halimbawa ng pag gamit ng Hypermedia sa loob ng silid-aralan:

1. Maaaring gumamit ng mga Video clips ang guro upang maipanuod sa kanyang mga estudyante ang nais niyang ituro dito.
2. Maaaring gumamit ng Audio clips upang maiparinig sa mga estudyante ang mga tunog o musika na may kinalaman sa kanilang aralin.
3. Maaari ding magpagawa ng video o pictures na may kinalaman sa paksa sa mga estudyante. Makakatulong ito upang mahasa ang kanilang kaalaman sa teknolohiya.
4. Maaari din gumawa ang guro ng isang document na kung saan ay mayroong mga Hyperlinks ang mga malalalim na salitang tagalog at ingles. Sa ganoong paraan kapag hindi alam ng estudyante ang ibig sabihin ng isang salita ay madali nyang malalaman ang depenisyon nito sa pamamagitan lamang sa pag click sa word na iyon.

Sobrang dami at lawak ng Hypermedia, malaki ang nagagawa nito sa ating pag-aaral kya dapat itong gamitin upang sa gayon ay makasabay tayo sa mabilis na pag asenso ng teknolohiya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento